Powered by Invision Power Board


Pages: (3) 1 2 [3]   ( Go to first unread post ) Reply to this topicStart new topicStart Poll

D' Anne Curtisians
roddman959
Posted: November 03, 2007 11:29 pm
Quote Post


Ruby
********

Group: shadow
Posts: 2947
Member No.: 55
Joined: April 26, 2004



user posted image

November 04, 2007 04:33 PM Sunday Article read 930 time(s)

Anne's many `love affairs'
By: Remy Umerez

Anne Curtis
A LITTLE BIT

ANNE Curtis celebrated her 10th year in showbusiness with a special show at Market, Market last October 28. It was dedicated to her fans who have remained loyal and supportive of her career for the past decade. Also present were celebrity friends who helped entertain her fans. There were also games for everyone. Earlier, Anne threw a thanksgiving party for the press where almost everyone won something from the raffle.

Anne was only 12 when she auditioned for Peque Gallaga’s Magic Kingdom. “She looked like a young Brooke Shields,” recalls her manager Veronique del Rosario. “Super pretty at mukha talagang artista. We knew she was going to blossom into a major star.”

Without a doubt, Anne has fulfilled the promise that Viva saw in her 10 years ago.

Anne’s career goes full blast with many projects lined-up for her aside from hosting “ASAP” and being an MTV VJ. She is about to start a new soap, “The Weddings,” inspired by a Koreanovela.

Her dream of being paired up with actor Aga Muhlach might just become a reality as she is now mature and the timing is ripe. Yes, the movie will be a co-production between Star Cinema and Viva Films.

All things considered, after 10 years in the business and a victim of rumored romances with various good-looking men, Anne has earned the right to be called one of the most important stars of her generation.


http://www.journal.com.ph/index.php?issue=...sec=3&aid=37512


--------------------
PM
Top
zephyr
Posted: April 13, 2008 11:23 pm
Quote Post


Onyx
******

Group: shadow
Posts: 303
Member No.: 2088
Joined: February 21, 2007



Marami akong lalaking minahal pero hindi ako easy to get’ – Anne

ISA sa pinakamagandang aktres sa showbiz ay ang young actress na si Anne Curtis. And when it comes to figure, talo niya ang mga nabanggit na aktres sina Bea Alonzo at Kristine Hermosa.

Sophisticated din ang aura ni Anne kaya naman ang tipo niya ang lapitin ng mga lalaki.

Nagkaroon na rin ng mga showbiz guy na nakarelasyon si Anne. Kabilang dito sina Chubi del Rosario, Luis Manzano, Oyo Boy Sotto, Richard Gutierrez at Paolo Araneta.

Ngayon ay si Sam naman ang nali-link kay Anne.

Dahil dito’y nabansagan tuloy siyang playgirl. Para raw itong nagpapalit lang ng damit kung ma-kipag-boyfriend? Ano ang masasabi ni Anne tungkol sa komentong ito ng mga nakapaligid sa kanya?

“Lahat naman ng lalaking naging bahagi ng buhay ko ay minahal ko nang husto. Pero iyung sa amin ni Luis, special kind of friendships lang talaga ‘yon.

“Ang talagang first love ko noon ay si Chubi. Nagkahiwalay lang kami nu’n ng maging busy na ako sa pag-aartista.

“’Yung break-up naman namin ni Palo, may matinding dahilan do’n. May third party, kumbaga.

“With Oyo naman, ma-tagal din yung naging sa amin. Itong kay Sam, very special din yung sa amin. But nothing is serious yet,” wika pa ni Anne.

“Image ko lang yung pagiging playgirl. Pero ang totoo, hindi talaga ako playgirl. Matino naman akong babae.

“Marami akong lalaking minahal, pero hindi ako easy to get. Mapili nga ako, eh. Hindi ako basta na lang nai-in love at pumapatol.

First time na magkakatambal sa movie nina Anne at Aga Muhlach. Inamin ni-yang noon pa’y inambisyon na niyang makapareha si Aga.

“Ngayon it’s a dream come true for me. I’m happy kasi nakatrabaho ko na siya,” kinikilig pang pahayag ni Anne.

“Nung sabihin sa akin na I will be working with Aga, hindi na ako nakatulog. I was really excited,” dagdag pa niya.

Magkasama ang dalawa sa pelikulang When Love Begins ng Star Cinema under the direction of Jose Javier Reyes at ipalalabas na sa April 30.

http://www.journal.com.ph/index.php?issue=...sec=3&aid=55924


--------------------
PM
Top
roddman959
Posted: May 05, 2008 01:13 am
Quote Post


Ruby
********

Group: shadow
Posts: 2947
Member No.: 55
Joined: April 26, 2004



user posted image

Anne naghubo’t hubad sa 'Dyosa'
By: Tonee Coraza

Anne Curtis
WHATEVER

‘Yung concert ni Richard Poon sa Music Museum last Monday ang pinakamagandang napanood namin so far this year.

Ang ganda ng line-up ng songs ni Richard at kahit standards ito ay nagustuhan ng young audience dahil sa makabagong arrangements na ibinigay rito.

Sa totoo lang, mas magaling pa siya kay Michael Buble para sa amin.Gusto namin ‘yung medley niya ng Tagalog novelty songs (Lumayo Ka Man Sa Akin, Remenber Me at Di Ko Kayang Tanggapin) na ni-lagyan niya ng big band interpretations.

Bongga rin ang Jose Ma-ri Chan duet medleys niya with Juris of MYMP.
Guests din sina Sam Milby at Pops Fernandez, pero ang nagnakaw nang husto ng eksena ay si Pokwang sa kanyang kakaibang dance number.

Kapuna-puna lang ang bukol ni Richard dahil sa suot niyang black skinny jeans. Kaya ang mga bading ay nadi-distract nang husto habang pinapanood siya.

Anyway congrats for an excellent show, Richard!
* * *
Ipinakita ang sneak teaser ng bagong teleserye ni Anne Curtis na Dyosa sa naturang concert ni Richard Poon.

Nakaloloka, kasi may ipinakitang babaing mahaba ang buhok na hubo’t hubad na nakatalikod habang naglalakad sa isang gubat.

Nagulat na lang ang lahat nang biglang humarap ang naturang napakaseksing babae at si Anne Curtis pala ‘yun.

Aba, talbog ang drama ni Marian Rivera sa Dyesebel.

Malamang pagkatapos ng Maligno ni Claudine Barretto ay ang Dyosa na ni Anne ang isasalang ng ABS-CBN.

So, ang totoong magiging katapat ni Marian ay si Anne. Aba, magandang ‘giyera’ ito dahil labanan talaga ito ng paseksihan.
* * *
Isang malaking threat nga si Anne kay Marian dahil ku-mita nang husto sa takilya ang When Love Begins.

Sa totoo lang, nakipagbakbakan nang husto ang When Love Begins sa banyagang pelikulang Iron Man. Parehong tig-tatlong sinehan sila sa Gateway at pareho ring puno ang mga ito.

Wala naman kaming balita sa Ploning ni Judy Ann Santos dahil wala ito sa Gateway kasi exclusive lang itong ipinapalabas sa SM Ci-nemas.
* * *
Napansin namin ang laki ng ipinayat ni Sam Milby nang mag-guest ito sa concert ni Richard Poon. Hindi rin bumagay sa kanya ang bago niyang tan complexion.

Sa totoo lang, para siyang tumanda nang ilang taon dahil mistula siyang nanuyot nang husto.

Nakausap namin si Sam pagkatapos ng show at kaya raw siya pumayat ay dahil may sakit siya ng tatlong araw.

Sa stomach ang kanyang sakit at nakakitaan daw ito ng doctor ng ‘wet bugs’ na isang uri ng parasite.

Under medication siya ngayon, pero hindi naman siya makapagpahinga kasi nga ang dami niyang previous commitments na dapat niyang siputin tulad nga ng guesting niya sa concert ni Richard Poon last Monday at sa repeat concert naman ni Toni Gonzaga nitong Tuesday.

Napanood na rin daw niya ang When Love Begins sa premiere night ng movie at wala naman daw siyang dapat ipag-react sa love scenes nina Anne Curtis at Aga Muhlach. May mga ganoong maiinit na scenes din daw sila ni Anne sa Maging Sino Ka Man dati.

Natatawa lang daw siya kay Aga dahil panay ang kausap sa kanya noong premiere night na parang nag-a-apologize ito sa love scenes nila ni Anne sa movie.

‘Yun na!


http://www.journal.com.ph/index.php?issue=...sec=3&aid=58404


--------------------
PM
Top
roddman959
Posted: August 07, 2008 12:53 am
Quote Post


Ruby
********

Group: shadow
Posts: 2947
Member No.: 55
Joined: April 26, 2004



user posted image

Conservative si Sam -- Anne
By: Nel Alejandrino

Anne Curtis
Tattle

HINDI mai-insecure si Sam Milby kay Luis Manzano, kahit pa magkaagaw sila sa puso ni Anne Curtis sa bagong teleserye ng ABS-CBN, Dyosa.

Balewala kung tulad niya, makikipag-torrid scene rin si Anne.

Zanjoe Marudo nga pala will also play leading man ni Anne sa Dyosa. And yes, may kissing scene rin si Anne with him.

As far as Sam is concerned, alam niya kung nasaan siya sa puso ng dalaga. But he would not say, though, na sila na nga.

They are dating exclusively, aniya. And guess what Anne found out about Sam, kahit pa laking Amerika ito.

“May pagka-conservative siya,” tukoy ng aktres.

Kung anong extent, ’di na niya in-elaborate.

* * *

For a time, natukoy na playgirl si Anne in the sense nga naman na among the young stars her age (she’s 23), siya ang, wika nga, nagbilang na ng boyfriend.

Remember when in her early teens she was linked to Chubi del Rosario. Nasaan na nga ba ito?

Then, there was Oyo Sotto. ’Di nga ba at napabalita pang muntik na silang mag-upakan ni Cogie Domingo nang magpang-abot sa bahay ni Anne?

Tanong lang: Magkabati na ba ang dalawang ito?

The Gutierrez family welcomed Anne with open arms nang maging sila ni Richard.

Kahit ngayong wala na ang dalawa, Anne has remained friends with the Gutierrezes.

Everyone thought it was the real thing between Anne and non-showbiz guy, Paolo Araneta.

Pag-amin ni Anne, Paolo was her longest relationship. Palibhasa, more or less, 10 years older ito sa kanya, inuunawa siya ng lalaki sa lahat ng bagay.

Naging very close siya sa family ni Paolo, including his mom, Maritess Revilla, herself a former movie star.

“I love his lolo,” ani Anne, referring to former screen heartthrob, Armando Goyena.

By the way, did we hear it right na afflicted these days itong lolo ni Paolo (at ni Bernard Palanca) ng Alzheimer?

Bagama’t malapit din si Anne sa mommy ni Luis, Batangas Governor Vilma Santos, she swears na kahit kailan, hindi naging sila.

“But we are soulmates,” aniya. “With Luis, I know anytime na kailangan ko siya, he will come running para pakinggan o tulungan ako sa kung anumang problema mayroon ako.”

Hindi ba nanligaw sa kanya si Luis?

“Maniwala kayo o hindi, for the nth time, sasabihin kong hindi,” sagot ni Anne.

Pero, nakaramdam siya ng kakaibang feeling for Luis, aminin, pambubuyo namin kay Anne.

“Siguro,” ang maliksi niyang tugon. “Kaya lang, kung anumang more than friends na feeling, hindi namin na-explore, kumbaga.

“We never had the chance,” ang natatawa niyang paliwanag. “Tuwing bakante kasi, sabihin na natin ang puso ko, may girlfriend siya, and vice-versa.”

What if sila ni Luis ang magkatuluyan?

“Puwede ba,” ang maigting niyang sagot. “Luis has Angel (Locsin). I have Sam. Please wish all of us luck,”

Wish din namin na maging patok sa manonood ang Dyosa, Anne.

http://www.journal.com.ph/index.php?issue=...sec=3&aid=69289


--------------------
PM
Top
0 User(s) are reading this topic (0 Guests and 0 Anonymous Users)
0 Members:

Topic Options Pages: (3) 1 2 [3]  Reply to this topicStart new topicStart Poll